Wednesday, June 14, 2017

Tips For Sowing Seeds

Kaunting tips lang para sa succesful na pagpapatubo ng mga buto. Importante at malaki ang role na ginagampanan ng lupang gagamitin sa pagpapatubo. Kadalasan naman, hindi pa maghahanap ng matabang lupa ang buto para tumubo. Ngunit ang magandang uri ng lupa at tamang timplada nito ang magbibigay sa buto ng mas mabilis, maayos at malusog na tubo.
Kung magtatanim ng mga maliliit na buto na kagaya ng Lettuce, Pechay, Mustasa, Kale at iba pa ay mas mainam kung itatanim sa isang tray o kahit sa mga plastik ng biskwit [ang mga traditional gardener o farmer ay isinasaboy lang ang mga buto sa isang open space land at doon na hihintayin ang pagtubo nito at maging sa paglaki]
Magtimpla ng sariling garden soil. Tanggalin ang anumang bato o mas mainam kung bibistayin muna ang lupa. Para mas maging magaan, haluan ng cocodust [iba ng cocodust sa cocopeat, ang cocodust ay pinung-pino at ang cocopeat ay chunkie] ang paraang ito ay para lamang sa pampabuhaghag ng lupa, at para hindi mahirapan ang mga malilit na binhi kapag papalabas na sa buto. Maaaring gumamit ng CRH o ricehull.

Maaaring i-test ang lupang pagtataniman kung buhaghag na ito o hindi. Magdakot ng lupa at subukang ikuyom sa mga palad, kapag nabasag ang lupa at hindi nabuo, buhaghag ito. Ngunit kung ito ay naghulma o nabilog, mas heavy ang mass ng lupa. Pagkatapos ay ibudbod ang mga buto sa lupa at tabunan ng bahagya. Ang karamihan sa mga buto ay dapat umabot mula 3cm hanggang 1inch ang lalim mula sa ibabaw ng lupa. Ano pa man ay maaring tingnan ang likod ng pakete ng biniling buto para malaman ang advice ng manufacturer. Spray lang sa pagdilig upang hindi matagtag ang mga buto sa ilalim o maiwasan ang sobrang paglubog nito. Sa pagpapatubo ng mga malalaking buto na kagaya ng Cucumber, sitao, melon, okra, talong at iba pa, mainam kung gagamit ng seeding tray para maging maayos ang mga ugat nito bago pa isagawa ang transplanting. May mga buto na ibinababad muna sa tubig ng 24 hours bago itanim, napapadali nito ang pagtubo ng buto ng 2-3 araw kumpara sa normal na proseso ng kaniyang pagtubo.






No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]