Ang Serpentina ay tinaguriang King Of Bitter dahil sa extreme bitterness nito o sobrang kapaitan. Kaya naman, hindi nakakapagtaka na isa ito sa mga alternative medicine na kilalang nakakapagpababa ng blood sugar para sa may mga diabetes. Kadalasan ay ginagawa itong tsaa o isinasama sa mga lutuin para mabawasan ang sobrang pait.
Dahil sa ako ay diabetic, hindi nawawala ang Serpentina sa aking maliit na garden. Ginagawa ko itong tsaa sa umaga at lagi kong sinasamahan ng mint [chocolate mint or peppermint] para kahit paano ay nalalabanan ang sobrang pait. Matagal kasing mawala ang pait sa dila kahit ilang oras na ang nakakalipas ay nalalasahan mo pa.
Bagaman ang Serpentina ay mabisang pampababa ng blood sugar, kinakailangan pa rin ang masusing paggamit at huwag na maaabuso. Sinasabi sa mga pag-aaral na kung ang mga dahon ng Serpentina ay gagawing tsaa at iinumin araw-araw, dapat ay hindi hihigit sa tatlong buwan ang paggamit nito. May mga pag-aaral na dahil sa sobrang taglay na pait ay nakakapagpakulubot ng atay at nakakasira na rin sa kalusugan. Ipinapayo na pagkalipas ng tatlong buwan na araw-araw na paggamit, itigil ito at palipasin ang susunod na tatlong buwan bago muling gamitin.
Hindi lang ito mabisang pampababa ng blood sugar, nakakalinis din ito ng kidney. Gamot din sa diarrhea, anti-bacterial, sore throat at anti-cancer. Ilan lamang iyan sa napakaraming karamdaman na maaaring malunasan o mapigilan sa paggamit ng Serpentina.
Madaling alagaan at palakihin ang halamang Serpentina, hindi siya nangangailangan ng matabang lupa kaya kahit ano'ng klaseng lupa o soil meron kayo ay akma ito para sa kaniya. Ano pa man ay panatilihin pa rin kahit paano ang matabang lupa.
This comment has been removed by a blog administrator.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThanks, ma'am
ReplyDeleteMay iba bang pangalan ng taragon
ReplyDeleteMeron ako nyan but i did not know na madami pala xang good health benefits..
ReplyDeleteThank you po sa info. Meron dn po ako nian sir.. Mainam pala sa kalusugan need ko na pong paramihin.. Btw sir.. May "Chives" dn po ba kayo? Meron po ako but i dont know po kng saan ba useful ito. TIA..
ReplyDeleteyes po, nakapagpost na ako about chives, repost ko na lang
ReplyDelete