Sunday, June 11, 2017

Scramble Eggs With Creamed Spinach

Sa mga may tanim na Green Amaranth Spinach, Red Amaranth Spinach or Popeye Spinach, try niyo ang simpleng recipeng ito. Hango sa nabili kong libro sa Booksale na "The Old Farmer's Garden-Fresh Cookbook Almanac" 

Mga kailangan:

8 kutsaritang unsalted butter
1 bugkos ng kapipitas pa lang na tangkay ng spinach, tanggalin ang mga dahon sa stem at hiwain ng      katamtamang laki.
1 kutsaritang cream
12 piraso ng itlog
asin
paminta

Tunawin ang isang kutsaritang butter sa kawali. Ilagay ang mga dahon ng spinach [mahina lamang ang apoy para hindi mapadali ang kaniyang pagluto] mula 3 hanggang 5 minuto o kaya ay kapag nakitang malambot na ang mga dahon at natuyo na. Lagyan ng cream at haluin hanggang 1 at 2 minuto o kaya naman ay lumapot na ang cream na nilagay. Takpan ang kawali at itabi muna.

Kumuha ng isa pang malalim na kawali at ilagay ang iba pang natitirang butter, at pagkatapos ay ilagay ang itlog [scrambled] Lagyan ng asin at paminta [depende ang dami sa inyong panlasa] Haluin hanggang lumapot at maging madikit ang itlog. Pagkatapos ay ilagay sa mangkok ang itlog at ilagay sa ibabaw ang mga spinach. Haluin.


No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]