Thursday, June 15, 2017

Hanging Pechay

Mga bagong pulot na bote. Sa mga susubok pa lang magtanim sa mga upcycled bottle, magandang itanim muna ang Pechay. Para sa akin, pinaka-basic po ito. Madali lang patubuin at alagaan. Minimal ang peste at mabili na makakapag-harvest. Maaaring isabit lang sa may kusina o sa labas ng bintana. Bukod pa dito, Pechay na yata ang isa sa mga gulay na may pinakaramaring uses o gamit sa pagluluto.
Ang mga ganyang bote ng softdrinks ay self watering. Ibig sabihin, hindi na siya kailangang diligan araw-araw. Inaabot ng 3-4 na araw bago matuyo ang lupa at doon ka lang ulit magdidilig. Tipid ka na sa oras at tubig.







No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]