Katulad ng ibang uri ng Kale, ang Nero Di Toscana, [kilala din sa tawag na Tuscan Kale, Dinosaur Kale, Lacinato Kale at Palm Tree Kale] ay isang very extra ordinary vegetables. Mayaman sa organosulfur compound na iniuugnay sa pag-iwas sa sakit na cancer. Ang isang cup ng raw leaves ng Toscana ay 100 percent na daily value ng Vitamin K at A, at 88 percent ng Vitamin C. [from Dr. Weil's website]
Ang nakikita niyo sa picture ay batang Nero Di Toscana. Lumalaki ng husto ang mga dahon [pakisearch na lang ang full grown picture ng Toscana] Ang kaniyang taas ay maaaring umabot ng 3-4 feet, depende sa magiging response niya sa uri ng klima meron sa inyong lugar at sa uri ng lupang gagamitin. Nangangailangan siya ng matabang lupa. Kahit na mahilig siya sa araw, iwasan pa rin na mababad siya sa matinding init. Kapag malalapad na ang mga dahon ay makakatulong ang pag spray sa mga dahon, mula sa ibabaw hanggang sa ilalim para maiwasan ang pagbuo ng fungi at iba pang diseases. Prone sa Aphids ang Kale, maaari ding atakehin ng Leaf Miners, lubhang makakatulong sa Neem Oil para maiwasan ang anumang peste.
No comments:
Post a Comment