Saturday, June 24, 2017

Mizuna

Ang Mizuna ay itinuturing na isang Japanese Vegetable [halata naman sa pangalan] pero may mga nagsasabi na ang Mizuna ay unang nagmula o nadiskubre sa bansang China. Naging popular sa mga bansa sa Asia at maging sa western countries. Kadalasan ay ginagawa nila itong pickles. Ano pa man, ang Mizuna ay malapit na kamag-anak ng Mustard.

Ang pag-aalaga at pagpapatubo ng Mizuna ay kapareho lang ng iba pang leafy greens kagaya ng Pechay, Lettuce at Mustard. Ang kaibahan lang ay madaling manghina ang Mizuna sa matinding sikat ng araw. Kaya naman, nirerekomenda ang paglalagay ng green net o 'di kaya naman ay sa shady area ng inyong taniman. Kailangan niya ang well-drained at matabang lupa. Mabagal ang kaniyang paglaki kung magsisimula sa pagpunla ng buto, Mas gusto niya ang nutrisyon na makukuha sa animal manure [chicken or horse manure]

Itinanim ko siya sa isang self watering plastic bottle, pero kung maitatanim pa siya sa mas malaking planter ay mas lalong magiging malago at mahahaba ang mga dahon nito na maaaring umabot hangang 12 inches o kasinghaba ng ruler.
Ang mga dahon ng Mizuna ay maaring ihalo sa iba't-ibang lutuin na kagaya din ng mga leafy greens. At kagaya ng Lettuce ay ideal ito gawing salad o ihalo sa inyong salad recipe. 
Maaari ding ihalo sa soup at kagaya ng spinach ay mainam din na gawing chicharon o crackling ang mga dahon.

Sa regular na pag consume ng Mizuna ay makakatulong na makaiwas o mapabuti ang kondisyon ng mga may Asthma. Nakakatulong din sa pag regulate ng dugo sa mga ugat at nakakatulong sa pagpababa ng blood pressure at maaaring maiwasan ang pagkakaroon ng sakit sa puso.






No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]