Monday, June 19, 2017

Tarragon

Ang Tarragon ay isang uri ng herb na kadalasan ay ginagamit sa pagluluto, partikular na sa French at Italian Cuisines. Ngunit bukod dito, kilala rin ang Tarragon sa napakaraming health benefits at sa pag-iwas sa napakaraming karamdaman. Isa na rito at dahilan kung bakit lagi akong may Tarragon sa rooftop ay dahil sa mabisa din ito at napatunayang nakakapagpababa ng blood sugar para sa mga diabetic.

Mayaman din sa vitamin A, C, at B6. Maaaring makaiwas din sa sakit sa puso kapag regular na gagamit ng mga dahon nito. Maaaring kainin o 'di kaya naman ay gawing tsaa sa umaga. Nakakapaglinis din ito ng ating mga ugat at naiiwasan ang anumang pagbabara sa dinadaluyan ng dugo. Nakakapagbigay lunas din ito sa sakit ng ngipin dahil sa taglay nitong Eugenol. Maaaring nguyain para lumabas ang oil sa kaniyang mga dahon.

Ang Tarragon ay isa ring natural na sleeping pills, kapag regular ang consume ng Tarragon ay nakakatulong sa mga nagsa-suffer ng Insomnia. Nakakapagbigay ginhawa din sa pagkahilo. Kaya kung sakaling mahihiluhin sa biyahe ay magbaon ng ilang piraso ng mga dahon nito, pigain sa mga daliri at saka langhapin.

Madaling alagaan at patubuin ang Tarragon, kailangan niya ang 5-7 oras ng sikat ng araw para mabuhay. Umaabot sa 2-3 talampakan ang normal na laki ng Tarragon. Kung nais ang mas matagal na buhay ng Tarragon ay kailangan ang regular na pagpitas ng kaniyang mga stem at huwag na paaabutin ng pamumulaklak upang maiwasan ang unti-unting pagkatuyo ng mga dahon na magmumula sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan hanggang sa matuyo ito patungo sa itaas na bahagi.

Kung intention na makapag collect ng mga buto nito, hayaang mamulaklak, ngunit saglit lang at mag-uumpisa na siyang matuyo.
Ang Tarragon ay mas mainam kung itatanim mula sa buto, ngunit maaari din ang through cutting. Huwag munang ilalabas ng bahay o ilalagay sa initan hanggang sa maging matibay na ang pinutol na stem.

Hindi nangangailangan ng matabang lupa ang Tarragon kaya maaari na siyang mabuhay kahit minimal lang ang nutrisyon na makukuha niya sa lupa. Ngunit kung nais ang mas mahahaba at malulusog na dahon ay gumamit ng organic fertilizer para sa mas malusog na halaman.





No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]