Ang nakikita niyo sa picture ay Lettuce Lollo Rossa na nakatanim sa isang maliit na plastic na halos kasinglaki lang ng coffee mug. Kadalasan ay pinupuno ko ng lupa ang bote ng softdrinks kasi kapag maraming lupa ay mas maganda sa tanim. Pero nagkaroon ako ng idea na paano kaya kung hatiin ko ang bote ng softdrinks para makatipid sa lupa? [Nagtitipid din ako sa lupa kasi ayoko nang maghakot mula sa ibaba hanggang sa rooftop] At naging succesful naman at halos walang pinagkaiba sa Lettuce na nakatanim sa mas maraming lupa. Importante at pinakasusi talaga sa matabang halaman ay dapat nasa lupa o sa uri ng lupang gagamitin. Kahit maliit at kaunti lang ang lupa, ay kayang mapunuan ang pangangailangan ng halaman para siya mabuhay.
Mas maraming wormcast ang hinalo ko sa lupang gagamitin sa maliit na planter, para kahit kaunti ang lupa ay concentrated naman sa pataba. Magiging sapat ito para maging mataba pa rin ang halaman. Ang isang kagandahan sa organic fertilizer ay walang overdose, kaya kahit concentrated ang pataba ay hindi magkakaroon ng masamang epekto sa halaman. Hindi ko na sinusukat ang lupa, ricehull at wormcast sa paghahalo ng gagamiting garden soil, paulit-ulit ko na kasing ginagawa. Pero para sa isang complete instructions ay sabihin na natin na 3 cups of wormcast, 1 cup of soil at 1 cup of ricehull [or sawdust, cocopeat, cocodust] Ang formulang ito ay sapat na para makabuhay at makapagtanim ng Lettuce at iba pang leafy greens sa isang maliit na planter.
Sir after po magharvest, itatapon na ba yong lupa sa container or pueding pagtaniman pa ito ng makailang ulit?
ReplyDelete