Kadalasan, lalo na sa ating mga beginner, hindi natin masyadong napagtutuunan ng pansin ang light requirements ng ating mga tanim, especially ang mga herbal plants na karamihan ay delicate o sabihin na natin na maaarteng halaman. Sa kabila ng alin pa mang dahilan ay mabubuhay naman ang mga herbs plants, ngunit mahalaga na malaman natin ang kanilang requirements o pangangailangan para sa mas maganda at mas pangmatagalang buhay ng ating mga tanim.
Ang listahan sa ibaba ay hindi nagpapatunay na 100 percent accurate o scientifically accurate dahil ang lahat ng bagay ay dumidepende kung paano natin alagaan ang mga tanim, o ang kalidad ng isang halaman at maging ang klima sa ating lugar. May mga lugar na maaraw pero malamig, may mga lugar na maaraw pero mahangin. So kahit pa sabihin na natin na ang isang halaman ay dapat direct sunlight pero malamig naman ang klima o hangin, ay magkakaroon pa rin ito ng epekto sa ating halaman. Kaya gusto kong sabihin na ang mababasa sa ibaba ay "generally" or "mostly" kaya kailangan pa rin ng isang gardener ang sariling obserbasyon sa klima ng kaniyang lugar.
Mga Ibig Sabihin:
Direct Sunlight - Ang halaman ay nangangailangan ng 6 na oras ng direktang sikat ng araw. Maaaring sa pagitan ng alas 8am hanggang 3pm. O 'di kaya naman ay mula alas 12 ng tanghali hanggang alas 6 ng hapon. Hindi maaari ang dire-diretsong pagkababad niya sa araw.
Partial Sunlight - Ang halaman ay nangangailangan ng 3 hanggang 6 na oras ng sikat ng araw.
Full Shade - Ang halaman ay nangangailangan ng sikat ng araw na hindi hihigit sa 3 oras.
Narito ang 50 herbal plants na maaari nating itanim na ayon sa kani-kanilang pangangailangan.
1. Parsley Moss Curled - Direct sunlight
2. Parsley Plain Italian - Direct sunlight
3. Parsley Italian Dark Green - Direct to partial sunlight
3. Sage - Direct sunlight
4. Rosemary - Direct sunlight
5. Arugula - Direct sunlight
6. Bay - Direct to partial sunlight
7. Chives - Direct sunlight
8. Lemon Balm - Direct to partial sunlight
9. Thyme - Direct sunlight
10. Peppermint - Direct to partial sunlight
11. Basil Genovese - Direct sunlight
12. Purple Basil - Direct sunlight
13. Thai Basil - Direct to partial sunlight
14. Lemon Basil - Direct to partial sunlight
15. Coriander - Direct to partial sunlight
16. Tarragon - Direct to partial sunlight
17. Golden Oregano - Partial sunlight
18. Sweet Woodruff - Partial sunlight
19. Angelica - Partial sunlight
20. Wild Bergamot - Partial sunlight
21. Anise - Direct to partial sunlight
22. Meadowsweet - Partial sunlight to Full Shade
23. Red Perilla - Partial sunlight to Full Shade
24. Spicebush - Partial sunlight to Full Shade
25. Ginger - Direct to partial sunlight
26. Italian Oregano - Direct sunlight
27. Cuban Oregano - Direct sunlight
28. Greek Oregano - Direct to partial sunlight
29. Oregano Variegated - Direct sunlight
30. Gotu Kola - Direct sunlight
31. Catmint - Direct to partial sunlight
32. Catnip - Direct to partial sunlight
33. Marjoram - Partial sunlight
34. Lavender - Direct to partial sunlight
35. Garland Chrysanthemum - Partial sunlight
36. Fennel - Direct to partial sunlight
37. Endive - Direct sunlight
38. Dill - Direct sunlight
39. Chinese Chives - Direct sunlight
40. Java Mint - Direct to partial sunlight
41. Lemon Mint - Direct to partial sunlight
42. Chocolate Mint - Direct sunlight
43. Spearmint - Direct sunlight
44. Lime Mint - Direct sunlight
45. Manzanilla - Partial sunlight
46. Serpentina - Direct sunlight
47. Laurel - Direct sunlight
48. Acapulco - Direct sunlight
49. Stevia - Partial sunlight
50. Gynura - Direct sunlight
No comments:
Post a Comment