1. Garden Soil Must Be Rich. [Gumamit ng magandang kalidad ng lupa. Mag mix ng sariling garden soil. Kailangang buhaghag ang lupang pagtataniman ng buto. Ihalo ang wormcast o anumang organic fertilizer [animal manures o anumang nabibiling commercial fertilizer basta organic]
2. Use Seeding Tray. [Mas mainam kung gagamit ng seeding tray sa pagtatanim ng buto. Mas madali ang pagtransplant kung hindi kalat ang ugat ng halaman. Sa pagpunla ng maliliit na buto kagaya ng lettuce, ibuhos mula sa pakete ang mga buto sa isang maliit na platito o tissue paper. Gumamit ng toothpick at idikit sa isang basang tela at idikit sa buto ng lettuce bago ihulog sa seeding tray. Ginagawa ito upang maiwasan ang paghawak ng kamay sa buto. Kadalasan ay may acid o salt ang ating mga daliri na maaaring makasira sa kalidad ng buto. Maaari din namang ibudbod ang mga buto sa isang seeding tray at magsagawa ng transplanting kapag nasa 2-4 na ang kaniyang mga dahon.
3. Transplanting. [Kadalasan, inaabot ng 5-8 araw ang germination ng lettuce, depende sa temperatura ng paligid at tamang pagdilig. Kung itatanim sa isang open space, kinakailangan ang tamang pagitan ng mga tanim upang maiwasan ang overcrowd o siksikan ng mga halaman. Mainam kung gumamit ng ruler at gawing panukat ang buong haba ng ruler sa kada pagitan. NOTE: Isagawa ang transplanting sa hapon o sa gabi. Huwag magsasagawa ng paglilipat sa katirikan ng araw.
4. Care. [Halos lahat ng varieties ng lettuce ay akma sa malamig na klima. Maaaring maglagay ng green net sa ibabaw ng halaman upang maiwasan ang sobrang exposure nito sa init ng araw. Ang pagtataniman ay kailangang sagana sa bitamina at magandang drainage condition. Ngunit ano pa man, maaari pa ring mabuhay ang Lettuce kahit walang green net na ginagamit lalo na sa panahon ng tag-ulan na hindi gaanong nakakasira ang init ng araw.
5. Harvesting. [Depende sa uri ng lettuce. Ang nasa picture ay Mini Romaine, Romaine, Lollo Rossa at Eton, so maaari silang iharvest simula 20-30 days, maliban sa Romaine na maaaring mag-umpisa mula 30-40 days. May ilang uri ng lettuce na mas maaga ang harvesting period.
No comments:
Post a Comment