Ito ang aking kauna-unahang sumubok na magtanim ng Mais. Nag-germinate siya sa loob ng 4 na araw, at nagsagawa ako ng transplanting after 9 days. Mabilis ang paglaki ng Mais kahit pa nakatanim lang siya sa isang katamtamang laki ng balde. Pinakiramdaman ko muna kung hindi sapat ang balde [dahil ang alam ko at lagi kong nakikita sa mga picture na lumalaki ng husto ang tanim na Mais] Pero mukhang kakayanin naman at nagkaroon na siya ng mga bunga. Dinamihan ko lang ang wormcast sa lupa dahil tiyak na mangangailangan ng maraming bitamina ang Mais lalo pa at limitado lang ang lupang nasa balde. Ilang linggo pa siguro bago ma-harvest ang mga bunga. Mangangailangan ng malaki-laking space kung magtatanim ka ng Mais. Lumalapad ng husto ang mga mahahaba nitong dahon.
No comments:
Post a Comment