Wednesday, June 21, 2017

Sage

Ang Sage ay well-recognized dahil sa mga medicinal value nito. Dito kinuha ang kaniyang pangalan. Ang Sage ay galing sa salitang Latin na Salvere na ang ibig sabihin ay "to be saved" Member siya ng Mint family at malapit na kamag-anak ng Rosemary. May ilang uri ng Sage na ginagamit lamang bilang ornamental [Russian Sage] at ang common Sage na ginagamit sa pagluluto [gaya ng nasa picture] ay madalas na ginagamit sa Italian at Asian Cuisines.

Ang Sage ay may natural antiseptic content kaya kadalasan sa west ay ipinapahid muna ang mga dahon sa mga karne, manok, turkey at isda dahil may kakayahan itong pumatay ng mga bacteria.
Maaaring gawing tsaa ang mga dahon ng Sage. Tinatawag itong "Thinker's Tea" dahil nakakatulong ito para sa mga nakakaranas ng deppresion. Mabisa ding nakakapagtanggal ng mga musle pain at rayuma kapag madalas ang paggamit, Malaki rin ang naitutulong ng Sage upang makaiwas o mapigilan ang pagkakaroon ng Al Zheimer's Disease. Mataas din ang content ng antioxidant at nakakapagpatalas din ng memorya.

Ang Sage ay nangangailangan ng 6-8 oras ng sikat ng araw para manatili ang aroma at lasa nito. Halos lahat ng uri ng lupa ay maaaring gamitin sa pagtatanim ng Sage [loam, clay or sandy soil] Very challenging sa pagpapatubo ng buto ng Sage [as in mahirap magpatubo ng buto, pero once na umabot na sa isang pulgada ang kaniyang taas, diretso na ito hanggang sa lumaki] Kaya mas madaling magparami ng Sage sa pamamagitan ng cuttings. Kailangan ang good drainage sa pagtatanim para malayang makagalaw ang mga ugat sa ilalim at hindi rin masyadong mababad sa tubig ang mga ugat. Drought tolerant ang Sage kaya naman minimal lang ang pagdilig, ngunit huwag naman na hahayaang sobrang matuyo ang lupa.




No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]