Mayroong mahigit 20 klase ang halamang Cosmos, ang nasa picture ay isa sa mga common Cosmos na madalas na makita dito sa Pilipinas.
Ang Cosmos ay hindi nangangailangan ng kung anu-anong pataba sa lupa o soil ammendments. Maliit na porsiento ng wormcast ay sapat na para maging malusog at maging sagana sa bulaklak. Kadalasan kasi, kapag sagana sa fertilizer ang lupang ginamit ay nagkakaroon ng mas makakapal at malalaking dahon ang Cosmos, pero sa kabila naman nito ay hindi gaanong nakakapag-produce ng maraming bulaklak.
Kailangan niya ang humigit-kumulang 6 na oras ng sikat ng araw. Malakas din ang resistensiya niya sa paminsan-minsang pagkatuyo ng lupa.
Ang Cosmos ay kasama rin sa listahan ng mga insect repelling plants. Kasama rin sa listahan ng Philippine Medicinal Plants at itinuturing na maaaring makagamot sa sakit na Malaria.
No comments:
Post a Comment