Wednesday, June 7, 2017

Lettuce [Mini Romaine]

Of Course, Mini Romaine is smaller than Romaine. Mas madali siyang lumaki at mag mature. As early as 20 days after transplanting ay makakapagharvest na at umaabot hanggang 2 buwan sa patuloy na pagpitas ng mga dahon. Mas maraming uses ang Romaine compare sa ibang variety ng Lettuce. Mahal ang ganiyang Lettuce sa mga groceries, pero maaari po kayo magkaroon ng sariling tanim na halos walang gastos.
Ang planter na ginamit ko diyan ay mabibili lamang ng 27 pesos sa mga talipapa o palengke [mas mahal kung nasa department store] pero hindi kailangang bumili pa, maaaring gamitin ang mga container ng bisquits, ice cream at iba pa. Hindi na kailangang bumili ng garden soil [karamihan sa mabibiling garden soil ay pinaghalong sawdust at lupa lang] maghukay na lamang sa mga bakanteng lote o sa mismong bakuran. Gumamit ng expander o pampabuhaghag ng lupa para hindi tumigas, maaaring gumamit ng mga tuyong damo saka tadtarin at ihalo sa lupa. Maaari ding manghingi sa mga lumber shop ng sawdust. Gawing organic ang pagtatanim. Para makatipid ay gumamit ng grass clipping fertlizer, o binabad na mga talahib, damo, dahon at iba sa tubig at maaari nang ipandilig araw-araw para matustusan ang pangangailangan ng halaman sa nitrogen. Ang buto ng Lettuce ay mabibili sa halagang 15 pesos o hindi tataas ng 50 pesos ang isang pakete. Ilang linggo lang ay makakapagharvest na kayo at makakakain kayo ng mga mamahaling lettuce na halos hindi mo mabili sa groceries.











No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]