Thursday, June 15, 2017

Kale [Green]

Kale is definitely one of the most healthiest and most nutrient plant food in existence. Sa lahat ng uri ng leafy greens, siya ang King. Ang bawat dahon ng Kale ay punung-puno ng nutrisyon at bitamina, bukod pa sa maraming medicinal properties. Mayaman sa vitamin C at high antioxidants. Nakakatulong din sa pagpapababa ng blood pressure at nakakaiwas sa pagkakaroon ng sakit sa puso. Best source din sa vitamin K. Mayroon ding mataas na cancer-fighting substances. Nakakapagpalinaw ng mata at mataas sa beta-carotene. Kaya naman, Kale dubbed as the new beef.

Madaling alagaan at patubuin ang Kale. Ang unang tanim ko ng Kale ay sa self watering plastic bottle, pero later on, naobserbahan ko na lumalaki ang mga stem ng Kale, kaya ang mga sumunod kong pagpapatubo ay sa mas malalaking planters na kagaya ng plastik ng biskuwit. Kung itatanim pa sa mas malaking planter ay mas mainam. Mas ma-maximized nito ang kaniyang paglaki.

Kaya niyang i-tolerate ang init ng araw, kaya hindi na kailangan ng green net para sa pagpapalaki ng Kale. Ngunit huwag naman na hahayaang sobrang matuyo ang lupa para hindi siya manghina.

Nag-germinate ang Kale, 5 days after sowing. Nagsagawa ako ng transplanting after 8 days. Makakapagharvest na ng murang mga dahon sa loob ng 30 days, pero ang harvesting period niya talaga ay pagkatapos ng 45 days.

Maraming varieties ang Kale, pero tatlo lang ang nasubukan kong itanim [mahirap kasi hanapin ang ibang seeds] Bukod sa Green ay may Red at Nero Di Toscana.








No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]