Wednesday, June 28, 2017
Coleus [Freckles]
Ang Freckles ay isa sa mga very popular na uri ng Coleus sa buong mundo. Ang pag-aalaga at ang kaniyang requirements ay katulad lang ng Twist N Twirl at iba pang varieties ng Coleus.
Tuesday, June 27, 2017
Coleus [Twist N Twirl]
Ang Twist N Twirl ay isa sa mga low maintenance at hindi alagaing variety ng Coleus. Mas gusto niya ang partial sunlight. Kailangan ang palagiang pagdilig. Mainam kung laging basa ang kaniyang lupa kaya makakabuti sa kaniya ang paggamit ng ricehull sa kaniyang pinagtaniman para ma-maintain ang moisture ng lupa.
Coleus [Duck's Foot]
Bukod sa Croton ay mahilig din talaga akong mag-collect ng Coleus at isa ako sa napakaraming Coleus addict. Attractive kasi ang mga dahon at karamihan ay makukulay. Bukod dito ay karamihan sa kanilang uri ay madaling alagaan. Ang Duck's Foot ay tinatawag ding Thumbelina sa ibang lugar. Hindi kagaya ng ibang uri ng Coleus, ang Duck's Foot ay mas preferred niya ang shady or partial sunlight. Madali kasi siyang manghina kapag sobra ang init, pero maaari pa rin siyang mabuhay sa direct sunlight basta huwag lamang hahayaang sobrang matuyo ang lupa. Madaling malagas ang kaniyang mga dahon kaya mainam ang pagtatanim sa paso para madaling ilipat ng lugar kapag may bagyo o malakas ang hangin. Kagaya ng Tilt A Whirl ay katamtamang dosage lang ng fertilizer ang kailangan niya para maging malusog.
Coleus [Tilt A Twirl]
Sa kasalukuyan ay mayroong halos 2,700 varieties ng Coleus [Mayana] sa lahat ng panig ng mundo. Ang nasa picture ay isang uri ng Tilt A Whirl, native dito sa South East Asia. Bawat uri ng Coleus ay may kaniya-kaniyang light requirements, soil and special care. Ang Tilt A Whirl ay maaaring mabuhay under shady areas or partial sunlight, pero mas nagiging matingkad ang mga kulay kapag sufficient siya sa sikat ng araw. Maaaring paramihin sa pamamagitan ng cuttings, pero mas malalaki at malalapad ang dahon kapag nanggaling sa buto. May mga nagsasabi o article na mababasa na ang mga dahon ng Tilt A Whirl ay poisonous, pero wala namang matibay o konkretong pag-aaral tungkol dito. Gusto ko sanang subukan kaya lang natatakot ako na baka totoo.
Painted Self Watering Plastic Bottle
Masaya ang makulay na garden. Bukod sa mga bulaklak at mga halaman na may makukulay na dahon ay nakakadagdag o mas nagiging attractive ang garden kapag mahilig tayong mag experiment. Be creative. Ang ginawa ko sa mga bote ng softdrink ay ginamitan ko ng spray paint [ang spray paint ay hindi basta natatanggal ang pintura kaya ito rin ang ginagamit sa helmet, at iba pang glossy or smooth surface] o maaari ding gamitin ang ordinaryong pintura pero kailangan munang iliha ang bote para mas maging makapit ang pintura. Ang pagpapaganda ng garden ay hindi naman lubhang kailangan, importante ang mga nakatanim na gulay at iba pang kapaki-pakinabang. Nagkataon lang na may mga sobra pang akong pintura sa bahay. Kung sakaling susubok, ang isang spray paint ay makakapagkulay kayo ng mahigit 15 bote ng softdrink.
Monday, June 26, 2017
Mexican Marigold
Ang Marigold ay mayroong halos 50 varieties. Ang nasa picture ay native sa Mexico at Guatemala. Kagaya ng Cosmos, hindi siya nangangailangan ng matabang lupa. Maari siyang mabuhay sa halos lahat ng uri ng lupa basta well drained. Hindi siya mahilig sa tubig kaya kadalasan ay nakakasira o nakakamatay para sa kaniya ang regular na pagdilig. Drought tolerant at kaya niyang labanan ang matinding sikat ng araw.
Mainam ang pagtatanim ng Marigold mula sa buto dahil napakaliit ang chance na mabuhay kung cuttings. Maaaring itanim muna sa isang flat o seeding tray, pagkatapos ay magsagawa ng transplanting kapag nagkaroon na ng apat o higit pang hibla ng mga dahon
Cosmos [Yellow And Orange]
Mayroong mahigit 20 klase ang halamang Cosmos, ang nasa picture ay isa sa mga common Cosmos na madalas na makita dito sa Pilipinas.
Ang Cosmos ay hindi nangangailangan ng kung anu-anong pataba sa lupa o soil ammendments. Maliit na porsiento ng wormcast ay sapat na para maging malusog at maging sagana sa bulaklak. Kadalasan kasi, kapag sagana sa fertilizer ang lupang ginamit ay nagkakaroon ng mas makakapal at malalaking dahon ang Cosmos, pero sa kabila naman nito ay hindi gaanong nakakapag-produce ng maraming bulaklak.
Kailangan niya ang humigit-kumulang 6 na oras ng sikat ng araw. Malakas din ang resistensiya niya sa paminsan-minsang pagkatuyo ng lupa.
Ang Cosmos ay kasama rin sa listahan ng mga insect repelling plants. Kasama rin sa listahan ng Philippine Medicinal Plants at itinuturing na maaaring makagamot sa sakit na Malaria.
Dianthus [Sweet William]
Mas kilala ito bilang Dianthus, lalo na parteng Amerika at Europe, at mas kilala naman ito sa Asia bilang Sweet William. Ang pangalang Dianthus ay hango sa kaniyang scientific name na Dianthus Barbatus, samantalang ang pangalang Sweet William ay isang pagkapanalo sa napakaraming debateng naganap noong unang panahon kung kanino at sino ang karapat-dapat na magkaroon ng karangalan para ipangalan sa kaniya ang magandang bulaklak na ito, ilan sa mga pinagpilian ay sina Saint William Of York, Prince William Augustus, Duke Of Cumberland.
Maraming varieties ang Sweet William, mayroong dalawang beses ang pamumulaklak sa isang taon at mayroon din naman na isang beses lang. Ang nakikita niyo sa picture ay dalawang beses sa isang taon.
Ang Sweet William ay nangangailangan ng matabang lupa, heavy consumer siya pagdating sa nutrient, kaya bago pa man magsagawa ng transplanting ay kinakailangan na ang paghalo o paggamit ng matabang lupa para sa kaniyang permanenteng pagtataniman. Mahilig siya sa sikat ng araw, pero maaari din sa shady area. Hindi siya gaanong matakaw sa tubig kaya iwasan ang sobrang pagdilig. Itinanim ko ang mga buto sa isang flat, nag germinate siya after 6 days, at nagsagawa ako ng transplanting 14 days after germination.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Ang pangunahing batayan o panuntunan sa organikong pagtatanim ay ang pagtatanim mula sa organikong buto o binhi. Ibig sabihin, ang buto ay ...
-
Bakit ang Kamatis na tanim ay maraming bulaklak ngunit hindi nagtutuloy sa pagbunga? Kapag ganito ang nangyayari, iniisip kaagad natin ay d...