One of my favorite pepper in my garden. Malaysian Pepper. Ang isang puno ay maaaring magbunga ng mahigit 50 piraso, depende sa magiging role ng soil na ginamit. Ang Malaysian Pepper ay dwarf plant at hindi siya umaabot ng 2 dangkal ang taas. Maaaring itanim sa self watering planter na ginawa. Maanghang ang siling ito pero hindi lumalaban sa dila at ideal ding ibabad sa suka bilang sawsawan. Kagaya ng ibang uri ng sili, iwasan ang laging pagdilig kapag umabot na siya sa pamumulaklak para maiwasan ang paglagas at pagkatuyo ng mga bulaklak. Tolerate niya ang sobrang init ng araw, ngunit huwag lamang masyadong hahayaan na matuyo ang lupa.
No comments:
Post a Comment