1. Pumili ng isang buhaghag na lupa.
2. Bistayin o salain upang maging pino at matanggal ang mga malalaking tipak ng bato na maaaring makasagabal sa paggapang ng mga ugat ng halaman.
3. Lagyan ng sawdust o cocopeat upang maging buhaghag ang lupa. Ginagawa ito upang maiwasan ang pagtigas ng lupa kapag natuyo, dahilan para mahirapan ang mga ugat sa pagkalat at malayang pagkilos nito sa ilalim ng lupa. Maari ding gumamit ng rice hull o ipa ng palay, tinadtad na mga tuyong damo, o kaya ay mga tuyong dahon.
4. Haluan ng organic powder, wormcast o chicken manure. Maaari ding gumamit ng iba pang organic fertilizer na nabibili sa mga agricultural supplies at gardens store.
5. Isalin sa ginawang self-watering plastic bottle.
Very informative. Thanks very much.
ReplyDelete