Saturday, April 1, 2017

How To Use Apple Cider Vinegar As Rooting Hormones

Any brand will do. Bukod sa nutrisyon na nakukuha sa ACV, makakatulong din ito para sa pagpapabilis ng pagkakaroon ng mga ugat sa mga pinuputol ng halaman para muling itanim, o through cutting.

1. Lahat ng uri ng brand ng ACV ay puwede, ngunit kung maiiwasan na gumamit ng ACV na may sodium ay mas mainam. Mas maganda rin ang ACV na may honey. [ang honey ay isang alternative sa ACV, ginagamit ang honey bilang purong pamalit sa ACV]



2. Putulin ang magulang na sanga ng isang halaman na nais mong itanim [ideal ang method na ito sa mga halaman na kagaya ng Bougainvillea, Croton, Santan at iba pa] Cut it clean, a sharp blade will prevent damage to the parent plant. Huwag gagamit ng mapurol na kutsilyo o may kalawang. Ang mga professional at maalam na gardener ay mapagmahal din sa mga halaman at ini sterilized muna nila ang kutsilyo, gunting o ano mang pamutol upang maiwasan ang pagka impeksiyon ng sanga o ng halaman.


3. Linisin ang dulong bahagi ng pinutol na sanga at tanggalin ang mga dahon sa bandang ibaba.


 4. Maglagay ng isang kutsaritang ACV sa isang lalagyan na may 3 tasa ng malinis na tubig.


5. Dip the buttom of the cutting in the solution.


Hayaang nakalublob ang cutting sa loob ng isang magdamag, Itanim sa umaga. NOTE: ang mali at sobrang paggamit ng ACV ay makakasira sa halaman.

No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]