Monday, April 17, 2017

Gawing Foliar Fertilizer Ang Green Tea

Ang Green Tea [o anumang tea grounds] ay mayaman sa Potassium. Maaari itong gawing foliar fertilizer at bilang pataba sa inyong mga pananim. Nakakatulong ang tea grounds sa pagpapausbong ng mga bulaklak na siya namang nagiging bunga. May mga pag-aaral na ang tea grounds ay nakakatulong sa pagbalanse ng soil PH.

Ang ginamit kong tsaa sa litrato ay hindi pa nagamit, ngunit hindi ito kailangan. Ang nagamit nang tea bag ay mayaman pa din sa potassium at mas nirerekomendang gamitin ang nagamit na para sa dobleng pakinabang ng tsaa. Huwag pansinin ang nakikitang brand ng tsaa, lahat ng klase ay puwede.

1. Kumuha ng dalawang bag ng tsaa.


2. Isalin sa isang lalagyan na kasya ang isang litrong tubig.





3. Lagyan ng tubig. Palipasin ang isang buong araw bago gamitin. Ilagay sa isang sprayer at i-spray sa mga dahon ng halaman at maging sa lupa na malapit sa puno ng halaman sa panahon na malapit na ang pamumulaklak. Gawin ito ng dalawang beses sa isang linggo hanggang sa pag-usbong ng mga bulaklak. 





2 comments:

  1. The water is warmed and pumped to the channel and espresso is trickled to the pot. The water temperature can be overseen inside. Benefits of white tea

    ReplyDelete

Coleus [Crimson Gold]