The last part of this series. After ng simple soil mixing at paggawa ng self-watering plastic bottle, maaari nang taniman ang ginawang planter ng maraming klase ng vegetables, herb, ornamental, etc. Dahil sa maliit at limitado ang space ng softdrinks, pumili ng isang halaman na hindi gaanong lumalaki, halimbawa na rito ang mga gulay na kagaya ng Pechay, Mustasa, Lettuce, Arugula, Upland Kangkong etc. At puwede rin ang mga herbs kagaya ng Arugula, Lavender, Marjoram, Sage, Parsley, at iba pa.
Narito ang aking paraan ng pagtatanim na gamit ang self-watering planter.
1. Lagyan ng hinalong lupa ang plastic na bote at huwag masyadong pupunuin para maiwasan ang pag overflow ng tubig kapag didiligan.
2. Gumawa ng magkabilaang butas para sa tamang lokasyon ng binhi na may tamang distansiya. Gumamit ng anumang bagay na pabilog o gamitin ang daliri.
3. Maingat na ilagay ang binhi sa mga butas. Iwasang maputol ang mga ugat.
4. Ang self watering na ito ay akma na nakasabit. Maraming advantages kung ito ay nasa mas mataas. Una, hindi basta mapaglalaruan ng mga hayop na kagaya ng pusa o aso. Pangalawa, mas maliit ang chance ng peste dahil nas mataas na lugar. Pangatlo, ideal sa limited space. Gumamit ng nylon o fishing wire. Huwag gagamit ng alambre, madaling masira at mangalawang.
5. Muling diligan.
No comments:
Post a Comment