Saturday, April 1, 2017

Basil Genoves And Lettuce Lollo Rossa In PVC Pipe Planter

Maaring gawing planter ang mga PVC Pipe na hindi na ginagamit. Kesa nakatambak ay gawing planter para iba-ibang klase ng gulay at herbs. Maraming advantage sa paggamit ng PVC Pipe. Una, nakatipid ka na naman sa space dahil maaari mo itong isabit o idikit sa dingding, basta naaabot ng sikat ng araw. Pangalawa, mataas at hindi basta maaabot ng daga, o naghahabulang aso at pusa, o 'di kaya naman ay mapaglaruan ng mga bata. Pangatlo, hindi kaagad natutuyo ang lupa dahil hindi naman expose sa araw. Pang-apat, maaari kang magtanim ng isang uri ng halaman sa bawat butas, kaya less ulit sa paggamit ng maraming paso, Artistic na, all in one pa.

Paano ito ginagawa. Maaaring may kaniya-kaniya tayong paraan sa paggawa ng kahit ano mang bagay, Ngunit para sa mga beginner, maaari niyong subukan ang ganitong paraan.

1. Butasan ang katawan ng PVC. Mas madali ito kung gagamit ng mga power tools na mga pambutas. Kung walang magagamit, maaaring magpainit ng water pipe o tubo at idampi sa katawan ng PVC hanggang sa mabutas. Iwasan ang sobrang dikit ng mga butas para may tamang space sa mga halaman kapag lumago na ang kanilang mga dahon.

2. Pagkatapos ay lagyan ng lupa, siguraduhing siksik at walang bakante sa loob dahil maaari itong pagbahayan ng langgam o iba pang insekto. Sa paglalagay ng lupa, maaari itong patayuin para mas mabilis na mapuno ang loob ng PVC, Lagyan ang dulo ng PVC ng kahit na ano'ng maaaring itakip upang hindi matapon ang lupa.

3. Isabit ng slanting o bahagyang mataas ang kabilang bahagi para hindi ma-stock ang tubig sa loob kapag malakas ang ulan o sobrang tubig dahil sa pagdidilig.

4. Magsagawa ng transplanting. [Note: Mas mainam kung patutubuin muna sa isang seedling tray o sa isang temporary planter ang halaman na nais itanim, at saka magsagawa ng transplanting sa PVC.]

5. Mag-iwan ng ilang butas [magkabilaang dulo] sa PVC na hindi lalagyan ng tanim para doon maglagay ng tubig kapag magdidilig.



No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]