Sa lahat ng lettuce na nasubukan ko nang itanim, ito ang pinakapaborito ko. Crunchy kapag bagong pitas, at may natural na tamis kung pakikiramdaman at hindi hahaluan ng kahit na anong pampalasa [mayonnaise, salt etc] Nagmemelt sa dila ang murang dahon. Hindi rin pumapait kahit matanda na ang mga dahon. Umaabot ng halos 3 buwan ang buhay ng Lollo Rossa kung sa paghaharvest ay kukunin lamang ang outer leaves o ung mature leaves lang, para may chance pang lumaki ang mga maliliit na dahon na nasa gitna.
Sa pagtatanim ng Lollo Rossa, kailangan ang matabang lupa para maging mabilis ang paglaki niya. Within 25 days after transplanting ay makakapagharvest na, o kung minsan ay mas maaga pa, depende sa response niya sa nutrisyon ng lupa.
Makikita rin sa picture na nakatanim ang Lollo Rossa sa self-watering plastic bottle, kaya nakasabit po talaga iyan, kinuha ko lang for the sake of good picture. Isa ang mga uri ng lettuce na ideal na itanim sa mga self-watering bottle. Hindi mo na kailangang magdilig araw-araw, at advantage na rin ng nakasabit ay hindi maaabot ng daga, pusa o mapaglaruan ng mga bata.
No comments:
Post a Comment