Sunday, April 30, 2017

Tomato [Surprise]

This is a kind of Tomato na madaling patubuin at siguradong magkakabunga. Pabilog at kasinglaki lang ng piso ang mga bunga niya. Itinanim ko siya ng naka-hang [mababa kasi ang chance ng aphids at whiteflies kapag mataas ang kinalalagyan ng kamatis] Ang Tomato Surprise ay marami kung magbunga [kung familiar kayo sa sinturon ni Judas ay dapat gano'n po ang hitik ng kaniyang pagbunga] kaya lang, iyan lang ang natira sa dami ng bulaklak na nalaglag dahil sa malakas ng hangin sa rooftop. Kahit paano naman ay may natira pa.












Saturday, April 29, 2017

Pechay In The Sky

Para sa mga may limited space na pagtataniman. Marami ding advantage ang ganitong uri ng pagtatanim. Less ang chance ng peste dahil mas mataas. No chance din ang mga pusa at aso na puwedeng pagtambayan ang mga halaman. Tipid sa espasyo, maaari mo pang lagyan o gamitin ang ibaba para sa iba pang halaman. Hindi mo na rin kailangan ng green net dahil malilim na sa ibaba na doon mo ilalagay ang mga halaman na hindi puwede ang direct sunlight. Mas madaling diligan dahil hindi mo na kailangang hawiin ang mga dahon. At higit sa lahat, magandang tingnan, maaliwalas at malinis.





Monday, April 17, 2017

Gawing Foliar Fertilizer Ang Green Tea

Ang Green Tea [o anumang tea grounds] ay mayaman sa Potassium. Maaari itong gawing foliar fertilizer at bilang pataba sa inyong mga pananim. Nakakatulong ang tea grounds sa pagpapausbong ng mga bulaklak na siya namang nagiging bunga. May mga pag-aaral na ang tea grounds ay nakakatulong sa pagbalanse ng soil PH.

Ang ginamit kong tsaa sa litrato ay hindi pa nagamit, ngunit hindi ito kailangan. Ang nagamit nang tea bag ay mayaman pa din sa potassium at mas nirerekomendang gamitin ang nagamit na para sa dobleng pakinabang ng tsaa. Huwag pansinin ang nakikitang brand ng tsaa, lahat ng klase ay puwede.

1. Kumuha ng dalawang bag ng tsaa.


2. Isalin sa isang lalagyan na kasya ang isang litrong tubig.





3. Lagyan ng tubig. Palipasin ang isang buong araw bago gamitin. Ilagay sa isang sprayer at i-spray sa mga dahon ng halaman at maging sa lupa na malapit sa puno ng halaman sa panahon na malapit na ang pamumulaklak. Gawin ito ng dalawang beses sa isang linggo hanggang sa pag-usbong ng mga bulaklak. 





Sunday, April 16, 2017

Malaysian Pepper [Green] In Mountain Dew

One of my favorite pepper in my garden. Malaysian Pepper. Ang isang puno ay maaaring magbunga ng mahigit 50 piraso, depende sa magiging role ng soil na ginamit. Ang Malaysian Pepper ay dwarf plant at hindi siya umaabot ng 2 dangkal ang taas. Maaaring itanim sa self watering planter na ginawa. Maanghang ang siling ito pero hindi lumalaban sa dila at ideal ding ibabad sa suka bilang sawsawan. Kagaya ng ibang uri ng sili, iwasan ang laging pagdilig kapag umabot na siya sa pamumulaklak para maiwasan ang paglagas at pagkatuyo ng mga bulaklak. Tolerate niya ang sobrang init ng araw, ngunit huwag lamang masyadong hahayaan na matuyo ang lupa.






Green Kale






How To Plant Pechay In Self Watering Plastic Bottle

The last part of this series. After ng simple soil mixing at paggawa ng self-watering plastic bottle, maaari nang taniman ang ginawang planter ng maraming klase ng vegetables, herb, ornamental, etc. Dahil sa maliit at limitado ang space ng softdrinks, pumili ng isang halaman na hindi gaanong lumalaki, halimbawa na rito ang mga gulay na kagaya ng Pechay, Mustasa, Lettuce, Arugula, Upland Kangkong etc. At puwede rin ang mga herbs kagaya ng Arugula, Lavender, Marjoram, Sage, Parsley, at iba pa. 

Narito ang aking paraan ng pagtatanim na gamit ang self-watering planter.

1. Lagyan ng hinalong lupa ang plastic na bote at huwag masyadong pupunuin para maiwasan ang pag overflow ng tubig kapag didiligan.



2. Gumawa ng magkabilaang butas para sa tamang lokasyon ng binhi na may tamang distansiya. Gumamit ng anumang bagay na pabilog o gamitin ang daliri.



3. Maingat na ilagay ang binhi sa mga butas. Iwasang maputol ang mga ugat.




4. Ang self watering na ito ay akma na nakasabit. Maraming advantages kung ito ay nasa mas mataas. Una, hindi basta mapaglalaruan ng mga hayop na kagaya ng pusa o aso. Pangalawa, mas maliit ang chance ng peste dahil nas mataas na lugar. Pangatlo, ideal sa limited space. Gumamit ng nylon o fishing wire. Huwag gagamit ng alambre, madaling masira at mangalawang.



5. Muling diligan.





Jellybean Cacti




Coleus [Crimson Gold]