Sunday, March 5, 2017

The Natural Fertilizer: Rice Hull

Nakabili ako ng Rice Hull sa AANI Taguig sa halagang 20 pesos ang isang maliit na plastic bag [kung susukatin ko ay baka mga tatlong plastic ng yelo ang katumbas] Wala naman talaga akong balak bumili dahil sa kasalukuyan ay may supplier ako ng sawdust na malapit lang dito sa lugar namin. Pero dahil gusto ko magkaroon ng sariling picture ng rice hull kaya bumili ako at para maipakita dito sa mga beginner.
Sa Japan, tone-toneladang rice hull ang inaangkat ng mga local farmer nila sa ibang bansa. Dito sa Pilipinas ay halos gabundok na ipa ang naitatapon lang kung saan. Kaya naiisip ko minsan na masuwerte at masarap talagang mamuhay sa probinsiya. Ang mga dumi ng hayop [baka, kabayo, kalabaw] ay makukuha lang kung saan, dito sa AANI ay 70 pesos ang isang plastic bag.
Ang rice hull ay mainam na ihalo sa lupa para sa magandang drainage ng paso o ng lupa. Nakakatulong din ito para sa pag maintain ng moisture at maiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng lupa. Ang isang kilong rice hull ay kayang magpigil at mag-imbak ng 5 litro ng tubig. Nakakapagpabuhaghag din ito ng lupa na mainam naman para sa malayang kilos ng mga ugat sa ilalim at para maiwasan ang pagtigas ng lupa kapag mainit.


No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]