Everytime na may magtatanong sa akin kung ano ginagamit kong fertilizer sa aking mga halaman, lagi kong sinasabi ang wormcast. Yes, eversince na magstart po ako ng pagtatanim, wormcast na ang ginagamit ko. To know more about wormcast [vermicast, worm poop] narito ang kamangha-manghang katangian at kapakinabangan ng wormcast sa halaman.
Ang wormcast o dumi ng bulate ay kadalasang produkto ng earthworm na African Night Crawlers o kaya ay Red Wiggler. Ang nakikita niyong bulate sa picture ay Red Wiggler na nabili ko sa Enchanted Farm sa Angono, Bulacan sa halagang 1,200 ang isang kilo. Mas mahal ito kumpara sa African Night Crawlers. Ano pa man ay pareho lang ang benepisyong nakukuha ng halaman, alin man sa dalawang uod. Ang wormcast, kapag inihalo sa lupang pagtataniman ay nagsisilibing super power fertilizer at growth enhancer sa halaman. naboboost nito ang malusog na paglaki ng isang halaman. Mas mataas ang porsiyento ng taglay nitong nutrisyon kumpara sa ibang organic fertilizer. Pinoproseso ng uod sa kanilang tiyan ang anumang kanilang kinakain at napapabuti ang humic acid dahil sa taglay nitong oil o langis sa kanilang katawan. Dahil sa humic acid, napapadami nito ang mga good bacteria, micro flora o mga microbes sa lupa na kailangan naman ng mga ugat para maprotektahan sila laban sa mga diseases o fungi infection.
Ang wormcast ay 5 beses na mataas ang nitrogen kumpara sa ordinaryong garden soil na hinaluan ng ibang uri ng organic fertilizer. 7 beses na mataas ang phosphate, 3 beses na mataas ang magnesium at 11 beses na mataas ang potassium. Makikita ang resulta sa mga halaman kapag ginagamitan ng wormcast. Mas matingkad ang kulay ng mga dahon [hindi naninilaw] at mas malusog kumpara sa parehong halaman na ginamitan ng ibang pataba.
Ang wormcast ay purong organic, walang chemicals at walang overdose. Soil and plant friendly siya. Maaaring gamitin sa halos lahat ng uri ng halaman, kahit pa ang mga maseselang uri. Nababalanse rin ng wormcast ang sobrang taas ng acid ng lupa o nababalanse ang soil PH. Napapabuti rin nito ang good drainage sa ilalim ng lupa, namimintina ang moisture at naiiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng lupa.
No comments:
Post a Comment