Wednesday, March 1, 2017

Ang Unang Rooftop Garden Sa Kasaysayan Ng Tao


Marahil, ang pinakamatandang larawan na nadiscover na nagpapakita ng pagtatanim o pagkatuto ng tao sa agrikultura ay ang litrato sa itaas, mahigit 3,000 years ago. Ang ancient Egypt ay naging masagana, at naging malusog ang lupa ng mga karatig na lugar ng ilog Nile na napapaligiran ng mainit at patay na disyerto. Dito nagkaroon ng ideya at nailarawan ang paraiso na nasa gitna ng malawak na buhangin ay matatagpuan ang lugar ng mga punongkahoy at sariwang tubig. Ang mga irigasyon na ginawa ng mga unang tao sa Egypt ay naging simbolo ng buhay. Ang lahat ng mga irigasyong ginawa ng kanilang mga kamay ay naghatid sa mga bansang Persia, Arabia at India at nag-umpisa ang masaganang agrikultura dahil sa pagtatanim ng mga Egyptian at pagkakaroon ng mga malalawak na taniman at sakahan. Ang kanilang impluwensiya sa pagtatanim ay nakarating sa mga unang Romano, hatid ng mga mandirigmang manlalakbay. Hanggang makarating ang bagong teknolohiya sa mga bansang Espanya at iba pang karating na bansa.
Ang kilalang Hanging Gardens Of Babylon na ginawa noong 605 BC ay kakaiba. Mistulang Hagdang Palayan na tinaniman ng mga punongkahoy at ibang halaman, mula sa pag-uutos ni Nebuchadnezzar II para sa kaniyang asawa na naging malungkutin simula nang mapalayo sa kaniyang bayan sa Persia na unang nagkaroon ng mga magagandang garden at halamanan. Ang naturang Hanging Garden of Babylon ang kauna-unahang rooftop garden na naitala sa kasaysayan ng tao at ng agrikultura. Itinuturing na isa sa ancient Seven Wonders Of The World.

No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]