Kilala sa ibang panig ng mundo bilang Snowflakes Flower. Napakadaling alagaan, tolerate niya ang sobrang init ng araw [pero huwag naman masyadong matutuyo ang lupa] Kayang mabuhay kahit sa pinaka poor na klase ng lupa, meaning, di na na kailangan ng kung anu-anong pataba sa lupa. Isa ang White Angel sa mga halaman na tinuturing na medicinal plant sa India. Sinasabing nakakapagbigay lunas sa motility disorder.
Tuesday, March 28, 2017
Sunday, March 26, 2017
Eggshells As Your Seedling Starter
One of the many uses ng eggshells ay puwedeng gawing seeding starter sa halos lahat ng uri ng seeds, mapa ornamentals or gulay. Ang nakikita niyo sa picture ay Sweet Basil or Basil Genovese. Di na kailangang tanggalin sa shell ang seedling kapag ililipat na mas malaking taniman, basagin lang ng kaunti ang shell bago itanim.
Wednesday, March 22, 2017
Monday, March 20, 2017
Pole Sitao
Start pa lang ng pagbunga nila. Hindi naging succesful ang una kong tanim ng sitaw, nabansot ang mga bunga dahil sa dami ng langgam na namumugad sa mga bulaklak. Makakatulong ang pagdurog ng siling labuyo at pag-spray ng bahagya sa mga bulaklak.
Saturday, March 18, 2017
Paano Gumawa Ng Isang Uri Ng Green Manure
Ang Monggo ay maaaring gawing isang uri ng Green Manure [counterpart ng Animal Manure] upang maging isang epektibong organikong pataba sa mga pananim.
Magtanim ng isang dakot na Monggo [depende sa dami ng inyong paggagamitan] Kapag umabot na siya sa halos isang dangkal ang taas o 'di kaya ay may mga papausbong ng dahon ay maaari na itong bunutin sa lupa. Hugasang mabuti na mawala ang lupa na nakakapit sa mga ugat. Ilagay sa isang sisidlan at hayaang mabulok sa loob ng ilang linggo. Pagkatapos ay maaari nang ihalo sa lupang pagtataniman. Nagtataglay ito ng mataas na nitrogen at Phosphorus na kailangan ng halaman.
Maaari ding gumawa ng isang foliar fertilizer gamit ang parehong paraan ng pagpapatubo ng Monggo. Ang kaibahan lang, kailangang iburo ang tinadtad na Monggo [sprouted] sa Molasses ng isang buwan. Maaari nang ipandilig o i-spray sa mga halaman sa panahon o bago ang pamumulaklak para sa mas madaming pagbunga.
Thursday, March 16, 2017
Wednesday, March 15, 2017
Monday, March 6, 2017
The Amazing Benefits Of Wormcast In Your Plants
Everytime na may magtatanong sa akin kung ano ginagamit kong fertilizer sa aking mga halaman, lagi kong sinasabi ang wormcast. Yes, eversince na magstart po ako ng pagtatanim, wormcast na ang ginagamit ko. To know more about wormcast [vermicast, worm poop] narito ang kamangha-manghang katangian at kapakinabangan ng wormcast sa halaman.
Ang wormcast o dumi ng bulate ay kadalasang produkto ng earthworm na African Night Crawlers o kaya ay Red Wiggler. Ang nakikita niyong bulate sa picture ay Red Wiggler na nabili ko sa Enchanted Farm sa Angono, Bulacan sa halagang 1,200 ang isang kilo. Mas mahal ito kumpara sa African Night Crawlers. Ano pa man ay pareho lang ang benepisyong nakukuha ng halaman, alin man sa dalawang uod. Ang wormcast, kapag inihalo sa lupang pagtataniman ay nagsisilibing super power fertilizer at growth enhancer sa halaman. naboboost nito ang malusog na paglaki ng isang halaman. Mas mataas ang porsiyento ng taglay nitong nutrisyon kumpara sa ibang organic fertilizer. Pinoproseso ng uod sa kanilang tiyan ang anumang kanilang kinakain at napapabuti ang humic acid dahil sa taglay nitong oil o langis sa kanilang katawan. Dahil sa humic acid, napapadami nito ang mga good bacteria, micro flora o mga microbes sa lupa na kailangan naman ng mga ugat para maprotektahan sila laban sa mga diseases o fungi infection.
Ang wormcast ay 5 beses na mataas ang nitrogen kumpara sa ordinaryong garden soil na hinaluan ng ibang uri ng organic fertilizer. 7 beses na mataas ang phosphate, 3 beses na mataas ang magnesium at 11 beses na mataas ang potassium. Makikita ang resulta sa mga halaman kapag ginagamitan ng wormcast. Mas matingkad ang kulay ng mga dahon [hindi naninilaw] at mas malusog kumpara sa parehong halaman na ginamitan ng ibang pataba.
Ang wormcast ay purong organic, walang chemicals at walang overdose. Soil and plant friendly siya. Maaaring gamitin sa halos lahat ng uri ng halaman, kahit pa ang mga maseselang uri. Nababalanse rin ng wormcast ang sobrang taas ng acid ng lupa o nababalanse ang soil PH. Napapabuti rin nito ang good drainage sa ilalim ng lupa, namimintina ang moisture at naiiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng lupa.
Sunday, March 5, 2017
The Natural Fertilizer: Rice Hull
Nakabili ako ng Rice Hull sa AANI Taguig sa halagang 20 pesos ang isang maliit na plastic bag [kung susukatin ko ay baka mga tatlong plastic ng yelo ang katumbas] Wala naman talaga akong balak bumili dahil sa kasalukuyan ay may supplier ako ng sawdust na malapit lang dito sa lugar namin. Pero dahil gusto ko magkaroon ng sariling picture ng rice hull kaya bumili ako at para maipakita dito sa mga beginner.
Sa Japan, tone-toneladang rice hull ang inaangkat ng mga local farmer nila sa ibang bansa. Dito sa Pilipinas ay halos gabundok na ipa ang naitatapon lang kung saan. Kaya naiisip ko minsan na masuwerte at masarap talagang mamuhay sa probinsiya. Ang mga dumi ng hayop [baka, kabayo, kalabaw] ay makukuha lang kung saan, dito sa AANI ay 70 pesos ang isang plastic bag.
Ang rice hull ay mainam na ihalo sa lupa para sa magandang drainage ng paso o ng lupa. Nakakatulong din ito para sa pag maintain ng moisture at maiwasan ang mabilis na pagkatuyo ng lupa. Ang isang kilong rice hull ay kayang magpigil at mag-imbak ng 5 litro ng tubig. Nakakapagpabuhaghag din ito ng lupa na mainam naman para sa malayang kilos ng mga ugat sa ilalim at para maiwasan ang pagtigas ng lupa kapag mainit.
Ceylon Spinach
Maraming nagsasabi na ang Ceylon Spinach ay hindi naman talaga Spinach. Ano pa man, ang Ceylon ay sabihin na natin na puting version ng Alugbati na marami dito sa Pilipinas. Ang Ceylon ay unang nakilala sa mga bansa sa Asia. Halos walang pagkakaiba sa lasa at sa paggamit ng Ceylon at ng Alugbati.
Friday, March 3, 2017
Chive
Ang Chive ay malapit na kamag-anak ng Scallion, Leek, Bunching Onion, Garlic at Shallot. Halos magkakapareho sila ng aroma. Sa pagtatanim, heavy consumer ng nutrient ng lupa ang Chive kaya kailangang ang rich soil o matabang lupa na pagtataniman. Hinahaluan ko ng mas maraming rice hull sa paghalo ng lupa na may kasamang organic powder o wormcast. Kailangan kasi ma-maintain ang moisture ng lupa. Maaari siyang itanim ng walang ginagamit na lupa, rice hull o carbonized rice hull at organic fertilizer ay sapat na para mabuhay siya.
Ang Chive ay kailangang direct sunlight. Kailangan ang regular na pagdilig para hindi pumayat ang kaniyang mga dahon. Of course, hindi siya kayang lapitan ng Aphids, Whiteflies at iba pang common pest, pero may mga peste rin na maaaring dumapo sa kaniya kagaya ng Onion Fly na bihira namang makita sa mga garden. Kadalasan ay fungi o disease ang malimit na problema sa pagtatanim ng Chive.
Thursday, March 2, 2017
Seeding Tray And Transplanting Method
Malaki ang kinalaman sa paraan ng pagpapabinhi pa lang ang magiging kalagayan ng isang tanim hanggang sa kaniyang paglaki. Naniniwala po kasi ako na kailangan nating i-trato ng tama ang lahat ng tanim, mula pa lang sa pagpapatubo ng buto. Makakabuti ang paggamit ng seeding tray o iba pang puwede nating i-upcycle na mga bagay na puwedeng maging seeding starter pots. Nakakatulong ito para maging maayos ang mga ugat bago mailipat sa mas malaki niyang taniman. Dapat established muna ang kaniyang mga ugat. Ang mga traditional farmer o gardener ay isinasaboy lang ang mga buto sa isang flat o open space land at doon na sila lumalaki. Walang masama dito at hindi ito maituturing na mali. Pero sa mga container gardener na kagaya ko, mas mapapadali ang proseso at mas malaki ang chance ng isang maganda at malusog na halaman. Hindi lahat ng buto na itinatanim natin ay malusog at de-kalidad. Sa paggamit ng seeding tray, dito mo makikita ang malusog at matamlay na binhi. Sa panahon ng transplanting, pinipili ko lang ang matibay, masigla at malusog na binhi na inililipat ko sa mas malaking taniman, hinahayaan ko na ang mga mahuhuli sa paglaki, o iyong mga payat at walang sigla. Sa kalaunan kasi, mamamatay din sila o 'di kaya ay madaling kapitan ng peste at hindi magbibigay ng masaganang bunga. Hindi kailangang bumili ng seeding tray, maaaring gamitin ang bote ng yakult, eggsheels at iba pa maliliit na bagay.
Subscribe to:
Posts (Atom)
-
Ang pangunahing batayan o panuntunan sa organikong pagtatanim ay ang pagtatanim mula sa organikong buto o binhi. Ibig sabihin, ang buto ay ...
-
Bakit ang Kamatis na tanim ay maraming bulaklak ngunit hindi nagtutuloy sa pagbunga? Kapag ganito ang nangyayari, iniisip kaagad natin ay d...