Wednesday, May 17, 2017

Mga Dahilan Kung Bakit Namumulaklak Ang Kamatis Ngunit Hindi Nagtutuloy Sa Pagbunga

Bakit ang Kamatis na tanim ay maraming bulaklak ngunit hindi nagtutuloy sa pagbunga? Kapag ganito ang nangyayari, iniisip kaagad natin ay dahil baka sa peste o 'di kaya naman ay may disease ang halaman. Kadalasan ay hindi po ito ang dahilan. Malaki ang kinalaman ng kalikasan sa kasong ito.

Ang Kamatis ay isang uri ng fruit-bearing plant na self pollinating. Ibig sabihin, hindi siya kagaya ng ibang halaman na nababaog kapag mag-isa lang siya [may mga halaman kasi na nagtutulungan sila sa pag pollinate at para magkaroon ng bunga] Ang Kamatis ay self-pollinating, ang kaniyang bulaklak ay mayroong male and femaie parts [kumbaga sa tao ay mayroon nang eggcell and sperm cell] at sa proseso ng kaniyang pagbunga, nagme-meet ang male and female para maging isang bunga.

May mga pagkakataon na hindi ito nangyayari, o hindi nahuhulog ang male part sa female part sa loob ng kaniyang bulaklak. Kadalasang nangyayari ito kapag mainit ang klima o kaya naman ay sa humidity ng panahon. Kapag nakakaranas 
tayo ng sobrang init sa buong maghapon, at maalinsangan sa gabi, less ang chance ng pagbunga ng Kamatis. Nagiging malapot ang loob ng bulaklak at hindi bumabagsak ang male sa female parts, kaya naman hindi sila makabuo.

May mga farmer na gumagamit ng synthetic chemicals para mapuwersa ang halaman na mamulaklak, nahahatak ang halaman sa isang paraan na lagpas sa kaniyang natural na proseso. Pero sa ating mga organic gardener, may mga paraan para mapigilan ito sa paraang organiko at natural.

Iwasang magtanim ng Kamatis sa mga panahon na alam mong sobra ang init, although may chance pa din na magbunga, pero napakaliit.
Maglagay ng mga ornamental plants [lalo na yong mga may bulaklak para ma attract ang mga beneficial insects na kagaya ng butterfly, ladybugs, dragonfly at bubuyog na nakakatulong sa pag pollinate ng bulaklak]

Sa panahon ng pamumulaklak ng Kamatis, subukang pitik-pitikin ang mga sanga na malapit sa bulaklak, para matulungan ang bulaklak na mahulog at male sa female part.
Siguraduhing mataba ang lupang pinagtaniman, para makapag produce ulit siya ng bulaklak [pagkatapos ng paglagas ng mga naunang bulaklak] kapag pabor na sa kaniya ang klima.



4 comments:

  1. ..yung kamatis po namin masyadong mataas ang puno ang puno at madaming bulaklak..pero hanggang ngayon wla pa pong bunga

    ReplyDelete
  2. Same po. Ang lago ng mga.dahon pero hindi po namumunga

    ReplyDelete
  3. Natutuyot po ung bulaklak at mga ilang dahon. Mataas at malago po ung mga kamatis pero d po magtuloy ung bunga. Masama po ba diligan sa mismong puno para maiwasang mag tuyo ang mga dahon?

    ReplyDelete
  4. HI!
    PATURO NMAN PO KUNG PAANO GUMAWA NG SUPPORT CAGE PARA SA KAMATIS
    THX PO...

    ReplyDelete

Coleus [Crimson Gold]