1. Nakakasigurado ka na sariwa ang gulay na ihahain mo sa inyong pamilya. Hindi katulad ng nabibili sa palengke na milya-milya ang layo mula sa pinagtaniman nito. May mga pag-aaral na habang tumatagal mula sa oras ng pagkaka-harvest ng isang gulay ay paunti nang paunti rin ang sustansiyang maaari nating makuha.
2. Nakakasigurado ka na walang chemical na ini-spray sa mga gulay, o mga pesticide na lubhang matapang na kadalasang ginagamit ng mga malalaking taniman o farm. Ayon sa mga pag-aaral, ang lahat ng synthetic pesticide ay toxic, hindi siya maaaring makasugpo ng anumang peste kung hindi siya toxic.
3. May choice ka kung gagawin mong organic o hindi ang iyong tanim. Ano pa man ay nirerekomenda ang paggamit ng mga natural na pataba para sa mas healthy at ligtas na kainin.
4. Mataas ang chance na matutong kumain ng gulay ang iyong mga anak dahil nagiging familiar sila sa gulay, kasama mo silang namimitas at nag-aalaga. Sa ganitong paraan ay natutuhan nilang tanggapin at ma-appreciate ang kahalagahan ng pagkain ng gulay.
5. Makakatipid ka sa budget sa grocery dahil marami sa mga gulay ang hindi mo na isasama sa listahan ng mga bibilhin.
6. Makakatipid ka rin sa pamasahe kung gulay lang ang sadya sa palengke. Mamimitas ka na lang ng gulay sa iyong hardin.
7. Bonding moment ng pamilya kapag sama-sama kayong nakatambay sa garden, nakikita ng iyong mga anak ang biyaya ng lupa, paano nagiging tanim ang isang maliit na buto. Sa ganitong paraan ay mamahalin at pahahalagahan nila ang mga bagay na ginawa ng Diyos at ang kaniyang mga biyaya.
8. Tuturuan ka ng iyong garden na maging mapagbigay. Dahil magiging masaya kapag nakakapagbigay ka ng sobrang gulay sa iyong kapitbahay, sa malapit na kamag-anak, sa katrabaho at sa iyong mahal na kumare.
9. Magandang exercise din ang pagtatanim. Hindi mo na kailangang umattend sa zumba sa baranggay. Sa pagtatanim mai-stretch ang iyong katawan sa pagyuko, pag-upo, pagtayo at pagtingkayad.
10. Magiging masaya ka, fullfilled, at feeling blessed kapag nakikita mo kung paano lumaki ang iyong mga tanim at natitikman na ang iyong pinaghirapang itanim.
11. May mga pag-aaral na ang isang gardener ay matagal o mabagal ang pagtanda.
12. Bukod sa regular na gawain ay magiging kapaki-pakinabang ang libreng oras mo dahil gugugulin mo ito sa iyong garden. Imbis na makipagtsismisan at pag-usapan ang buhay nang may buhay ay mas magiging epektibong mamayan ka.
13. Magbubunga ang pagkahilig mo sa garden para sa iba pang bagong interes na matutuhan mo. Ikaw ay magiging instant:
Photographer - Dahil madalas ka na ngayong magpapa selfie sa iyong garden. Kakahiligan mo na ring magpicture ng mga bulaklak at mga bunga ng iyong tanim.
Landscaping - Matututo ka mag-design ng iyong garden at magpaplano kung ano ang mas magandang set-up para sa mas kaiga-igayang taniman.
Botanist - Dahil magiging interesado kang alamin ang mga insekto sa iyong garden, ang mga peste at mga beneficial insects.
Chemist - Dahil nanaisin mong matuto na gumawa ng mga homemade pesticide, homemade fertilizer at iba pa.
Nutritionist - Magiging aware ka sa nutrition at vitamins ng mga halaman na itinatanim mo.
Chief - Makakagawa ka ng mga sariling recipes na gamit ang mga gulay na iyong na-harvest.
magandang araw Sir! maaari ko po bang magamit ang inyong mga larawan at ang mga benepisyo ng maysariling gulayan? Ako po ay isang guro na nagpo-promote ng Gulayan sa Tahanan at Organic gardening. Napakaganda po ng inyong Rooftop Garden. Maraming Salamat po.
ReplyDeletemagandang araw maari koba kuhaan ng ilang idea ang iyong post
ReplyDeletegOOD DAY SIR. PERMISSION TO USE YOUR PICTURES..SLMT PO
ReplyDeleteBlessed day po. Sir Don, permission to copy your article po at ilalagay po na kyo po ang aming reference po & invite din sila to visit your site po. Maraming salamat po
ReplyDelete