Saturday, May 27, 2017

Clear Weed [Pansit-pansitan]

Clear Weeds or Pansit-pansitan. Madalas itong tumubo sa tabi-tabi, sa daanan, sa mga siwang ng semento sa kalsada o sa tabi ng kanal. Pero sa aking garden, itinatanim ko ito ng sadya para malinis. Mabisang herbal plant at isa sa mga iniindorso ng Department Of Health. Narito ang ilan sa mga health benefits ng halamang ito ayon sa librong Philippine Herbal Plants.
Nakakapagpalinis ng dumi ng mata at nakakapapalinaw ng paningin. Mabisang gamot din sa sore throat [nilalaga] o 'di kaya sa mga may makating lalamunan. Ipinapainom din ang pinaglagaan sa mga may diarrhea. Makakatulong din sa mga may prostate problem. Nakakatulong magpababa ng blood pressure o sa mga high blood. Nakakapagbigay ginhawa din sa mga may arthritis, gout at skin boils. Mabilis din na nakakapaghilom ng sugat o sunog sa balat. Nakakapagpakinis din ng balat at sa pimples. Maaaring inumin o kainin sa mga masakit ang ulo o headache, sa mga may lagnat, o sakit sa tiyan.





No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]