Sunday, May 21, 2017

Croton [Petra]

Ang Croton [Petra] ay isang uri ng Croton na native sa Southern Asia at sa Western Pacific Island. Mas preferred niya ang mainit na klima, kaya kadalasan, sa mga bansang may malamig o winter season ay mas pinipili nilang itanim ang Petra sa isang container, para nga naman madaling ilipat ng lugar o ilagay sa loob ng bahay kapag sobra ang lamig.

Ang Petra ay nangangailangan ng 6 hanggang 8 oras na init ng araw. Ngunit makakabuti rin ang paglalagay ng variation o green net o anumang pananggalang sa init ng araw kapag nasa kasagsagan ng summer o tag-init. Maaaring mabuhay ang Petra sa loob ng bahay. Ginagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay sa kaniya malapit sa pinanggagalingan ng sikat ng araw, at ilalabas ng bahay pagkalipas ng dalawa o tatlong araw para makasagap ng sapat na sikat ng araw na kailangan niya. Nangangailangan din ng magandang drainage sa paso kapag ilalagay sa loob ng bahay. Maaaring maglagay ng pebbles o maliliit na bato sa pinakailalim ng paso para maiwasan ang sobrang pagkababad ng kaniyang mga ugat sa tubig.






No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]