Monday, May 22, 2017

Croton [Curly Boy]

Ang Croton [Curly Boy] ay native sa Malaysia at sa Western Pacific Region. Ang mga dahon ng Curly Boy ay nagkakaroon ng mga matitingkad na kulay, depende sa nakukuha niyang init ng araw at maging sa lamig. Kapag kulang sa araw, mas mangingibabaw ang kulay green sa kaniyang mga dahon. Matakaw siya sa init ng araw, pero kinakailangan pa din ang pananggalang kapag nasa kasagsagan ng init sa bahagi ng isang araw. Ang Curly Boy ay maaaring sa loob ng bahay, panatilihin lamang ang magandang drainage na kagaya ng pag-aalaga sa Croton Petra.





No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]