Ang Malaysian Pepper ay mayroong apat na klase, Ang nasa picture ay ang pinaka-common sa lahat. Kadalasan, sa mga bote lang ako na softdrinks nagtatanim ng sili para tipid sa space, puwede kong ilipat kapag maulan lalo na kung maliliit pa sila. Maaari ko ring ipasok sa loob ng bahay kapag may bagyo. Ang karamihan kasi sa mga sili ay sensitive lalo na kapag malapit na silang mamulaklak o sa blooming stage nila. Madaling maglagas ang mga bulaklak at hindi na natutuloy sa pagbunga. Iwasan ang pagdilig sa mga sili kapag may mga bulaklak para hindi maglagas o matuyo. Tama na ang isang beses sa dalawang araw. Kung sakali man na sobra ang init sa isang lugar, tama lang ang pag-spray sa lupa para lang maiwasan ang sobrang pagkatuyo. Ang hotness ng Malaysian Pepper ay 7-10, maanghang at mabango kung ilalagay sa suka. Paborito rin ng mga manginginom dahil hindi lumalaban sa dila ang anghang. Ano pa man, hindi naman siya kasing anghang ng siling labuyo o ng Taiwan Pepper. Ang kaniyang mga dahon ay nag-aagaw ang green at blue, ang kaniyang mga bulaklak at bunga ay violet din.
Importante sa pagtatanim ng sili ang buhaghag na lupa. Makakatulong ang paglalagay ng katamtamang dami ng ricehull, cocodust, or sawdust sa lupa, samahan na rin ng organic fertilizer. Wormcast ang kadalasan o halos na ginagamit kong fertilizer. Kapag mataba ang lupa, kayang magbunga ng isang puno ng Malaysian Pepper ng higit sa 40 piraso nang sabay-sabay. At masusundan pa ito sa susunod niyang pagbunga.
Ang bunga ng Malaysian Pepper ay kulay violet mula sa maliit hanggang sa paghinog nito. Malalaman lang na over-ripe na ang bunga kapag kumulubot na. Maaari na siyang pagkunan ng buto para muling itanim.