Thursday, June 22, 2017

Thai Basil

Ang Thai Basil ay member ng Mint family at kilala o madalas na ginagamit sa Laos, Vietnam, Cambodia at Thailand Cuisines. Ang kaniyang lasa ay halos hawi sa Basil Genovese ngunit kung mapapansing mabuti ay nag-aagaw ang Anise and Clove taste. Ang kaibahan niya sa Basil Genovese ay mayroon siyang Purple na mga stem at pati ang kaniyang mga bulaklak. Mas malapit ang pagkakapareho sa Purple Basil. Sa ibang lugar ay tinatawag din siyang Sweet Thai.

Ang pagtatanim at pag-aalaga ng Thai Basil ay pareho lamang ng Purple at Sweet Basil. Umaabot ng halos 18 inches ang normal na taas ng halaman at ang mga dahon ay umaabot hanggang 2 inch ang lapad ng mga ito.

Ang Thai Basil ay nangangailangan ng at least 6 na oras ng sikat ng araw lalo na hanggang sa kalagitnaan ng kaniyang buhay o taas, ngunit maaari ang partial sunlight kapag malapit na siyang mamulaklak. Nangangailangan ng buhaghag na lupa o well-drained soil para maiwasan ang sobrang pagkababad ng kaniyang mga ugat sa tubig at para sa malayang paggapang ng mga ugat. Mas preferred niya ang matabang lupa, compared sa Basil Genovese na hindi gaanong kailangan ang mga pataba sa lupa. Minimal lang ang pagdilig sa Thai Basil, ang sobrang tubig na sobra sa kaniyang pangangailangan ay magdudulot ng pagdilaw ng kaniyang mga dahon at paglagas. Ngunit huwag naman na sobrang matutuyo ang lupa. Ang kaniyang mga dahon ay marupok lalo na sa panahon ng pamumulaklak kaya makakatulong sa kaniya ang paglalagay ng proteksiyon laban sa malakas na hangin, kaya naman ideal na itanim sa paso o container para madaling ilipat ng lugar kapag may bagyo o malakas ang hangin.

Ang mga dahon ay bukod sa inihahalo sa mga lutuin ay ginagamit din sa pag marinate ng mga karne [lalo na kung gagawing barbeque] Maaari ding gawing Thai Tea, ang aroma nito ay nakakapagpaginhawa ng katawan. Ang mga dahon ay maaaring durugin sa mga palad o daliri at ipahid sa noo, sa may mata at sa sintido, dahil nakakatulong ito sa pagpapaginhawa ng pakiramdam, lalo na sa mga masasakit ang ulo at sa mga nahihilo.







No comments:

Post a Comment

Coleus [Crimson Gold]