Nagkaroon ng Family Day ang mga estudiyante ng Adamson kaya naman sangkaterba ang mga bote ng softdrinks na nagkalat at naging basura. Mapaghinayang ako sa mga bote kaya inisa-isa ko silang inuwi sa bahay para pagtaniman. Ginagawa ko ding organized ang mga bote at pinagsasama-sama ko ang magkaka-uri para mas magandang tingnan,
Kung mapapansin niyo ay hindi ko masyadong pinupuno ng lupa ang paglalagay sa mga bote ng softdrinks, Ginagawa ko ito para kapag seedling pa lang o maliit pa lang ang tanim ay magiging pananggalang ang paikot ng bote sa sobrang lakas ng hangin at upang hindi siya matumba. Kung sakali din na matumba ang tanim dahil sa hindi masyadong pagkakakapit ng kaniyang mga ugat ay mayroon pang space para sa pagdagdag ng lupa. Naiiwasan din ang pag-apaw ng tubig kapag nagdidilig.
Dalawang seedling lang ang nakatanim sa kada isang bote para maiwasan ang over crowded o siksikan kapag lumaki na at naging mayabong na ang mga dahon.
Pagkatapos ma-harvest ang mga Pechay, ginagamit ko ulit ang lupang pinagtaniman, nilalagay ko sa isang planggana, tinatanggal ang mga ugat ng dating halaman at saka ko ulit tinitimplahan ng panibagong garden soil. Marami na akong nasubukang organic fertilizer sa pagtatanim, pero sa kasalukuyan ay regular kong ginagamit ang wormcast bilang pataba. Hindi lang paghalo sa lupa ang maaaring gawin sa wormcast, ginagawa din itong vermitea o worm juice bilang liquid version na ipinapandilig sa halaman para maging mataba at mabilis na makapagharvest.
No comments:
Post a Comment