Malaki ang kinalaman sa paraan ng pagpapabinhi pa lang ang magiging kalagayan ng isang tanim hanggang sa kaniyang paglaki. Naniniwala po kasi ako na kailangan nating i-trato ng tama ang lahat ng tanim, mula pa lang sa pagpapatubo ng buto. Makakabuti ang paggamit ng seeding tray o iba pang puwede nating i-upcycle na mga bagay na puwedeng maging seeding starter pots. Nakakatulong ito para maging maayos ang mga ugat bago mailipat sa mas malaki niyang taniman. Dapat established muna ang kaniyang mga ugat. Ang mga traditional farmer o gardener ay isinasaboy lang ang mga buto sa isang flat o open space land at doon na sila lumalaki. Walang masama dito at hindi ito maituturing na mali. Pero sa mga container gardener na kagaya ko, mas mapapadali ang proseso at mas malaki ang chance ng isang maganda at malusog na halaman. Hindi lahat ng buto na itinatanim natin ay malusog at de-kalidad. Sa paggamit ng seeding tray, dito mo makikita ang malusog at matamlay na binhi. Sa panahon ng transplanting, pinipili ko lang ang matibay, masigla at malusog na binhi na inililipat ko sa mas malaking taniman, hinahayaan ko na ang mga mahuhuli sa paglaki, o iyong mga payat at walang sigla. Sa kalaunan kasi, mamamatay din sila o 'di kaya ay madaling kapitan ng peste at hindi magbibigay ng masaganang bunga. Hindi kailangang bumili ng seeding tray, maaaring gamitin ang bote ng yakult, eggsheels at iba pa maliliit na bagay.
No comments:
Post a Comment